Monthly LGU Holy Mass: Pagtatapos ng Kuwaresma at Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay



 

Pinag-alab ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia ang pananampalataya, pagkakaisa, at pag-asa sa kanilang taimtim na pagtitipon sa Municipal Auditorium ngayong Biyernes ng umaga para sa isang banal na misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Servando L. Sentales, OSJ.

Sa kaniyang homiliya, binigyang-diin ng kura paroko na ang pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon ay hindi nangangahulugan ng pagbalik sa mga dating nakagawian, kundi isang taos-pusong paanyaya na isabuhay ang mga aral na hinubog sa puso at diwa noong panahon ng Kuwaresma.

Naging bahagi rin ng banal na selebrasyon ang mga himig ng LGU Padre Garcia Chorale—isang grupo ng mga mang-aawit na empleyado na binuo ng pamahalaang bayan—na ayon kay Fr. Vhandy ay isang makabuluhang hakbang tungo sa mas pinatatag na pakikiisa ng lokal na pamahalaan sa mga gawaing pang-parokya.

Ang pagtitipong ito ay nagsisilbing paalala na ang tapat na paglilingkod sa bayan ay lalong nagiging makabuluhan kapag ito ay nakaugat sa pananalig at pagpapakumbaba sa harap ng Maykapal.

Post a Comment

0 Comments