Ngayong Araw ng Kagitingan, buong puso nating inaalala ang kabayanihan at sakripisyo ng ating mga ninuno na nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bayan, na nagsisilbing matibay na pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Sa gitna ng mga hamon ng makabagong panahon—mga krisis sa ekonomiya, kalamidad, at iba pang pagsubok na kinakaharap ng ating bansa—hinihikayat ang bawat mamamayang Garciano na buhayin ang diwa ng katapangan, pagkakaisa, at malasakit na minsang nagbigay-lakas sa ating mga bayani upang harapin ang laban para sa ating lupang sinilangan.
Nawa’y magsilbi tayong makabagong henerasyon ng mga sundalo ng bayan, hindi man sa larangan ng digmaan kundi sa araw-araw na paggawa ng tama, pagtulong sa kapwa, at matatag na paninindigan para sa katotohanan at kabutihan.
Saludo kami sa galing at katatagan ng bawat Pilipino!
0 Comments