Isinasagawa ngayong hapon ng Miércoles Santo ang Prusisyon ng Paglililibing o ang Prusisyon ng Pagpapakasakit ng Panginoon. Ito ay isang mataimtim na paggunita sa naging sakripisyo at paghihirap ni Hesukristo para sa kaligtasan ng sangkatauhan.
Makikita ang pagkakaisa ng mga Garciano na nakasuot ng kulay pula bilang simbolo ng pagpapakasakit at pagmamahal. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng ating malalim na tradisyon at pananampalataya na patuloy nating isinasabuhay sa bayan ng Padre Garcia tuwing Mahal na Araw.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pananalangin at pagninilay habang idinaraos ang banal na prusisyong ito sa ating mga pangunahing lansangan.
0 Comments