Ngayong Viernes Santo, ika-3 ng Abril, kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia sa banal na pagdiriwang mula sa Most Holy Rosary Parish.
Sama-sama nating gunitain ang kamatayan ng ating Panginoong Hesukristo sa pamamagitan ng Liturhiya ng Salita ng Diyos, ang mataimtim na Pagsamba sa Banal na Krus, at ang pakikinabang sa Banal na Komunyon. Ito ang oras ng pinakamalalim na pagninilay sa sakripisyo at pag-ibig ng Diyos para sa ating katubusan.
Inaanyayahan ang lahat na makilahok sa ating Live Stream ganap na 3:00 ng hapon. Nawa ay maging daan ito upang mas lalong tumibay ang ating pananampalataya at pagkakaisa bilang isang bayang nagmamahal sa Poong Maykapal.
Isang banal at mapayapang hapon sa ating lahat.
0 Comments