Ngayong umaga ng Domingo de Pascua, ika-5 ng Abril, kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia sa pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesukristo.
Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa ating Online Mass ganap na 6:30 ng umaga upang sama-samang magpasalamat at magdiwang sa tagumpay ng ating Panginoon laban sa kamatayan. Ang araw na ito ay puno ng kagalakan at pag-asa para sa bawat Kristiyano.
Nawa’y ang biyaya ng muling pagkabuhay ay manahan sa puso ng bawat Garciano, at magdala ng kapayapaan at panibagong lakas sa ating lahat. Maligayang Pasko ng Pagkabuhay!
0 Comments