LIVE: Banal na Misa ng Huling Hapunan at Paghuhugas ng Paa

 


Ngayong Jueves Santo, ika-2 ng Abril, kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia sa banal na pagdiriwang ng Misa ng Huling Hapunan at Paghuhugas ng Paa ng mga Apostoles.

Sama-sama nating gunitain ang pagpapakumbaba at dakilang pag-ibig ng ating Panginoong Hesukristo sa Kanyang huling pakikibahagi sa Kanyang mga alagad. Ang seremonya ng paghuhugas ng paa ay isang makapangyarihang paalala ng Kanyang utos na magmahalan at maglingkod sa isa’t isa nang may kababaang-loob.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ating Online Mass ganap na 4:00 ng hapon para sa isang taimtim na pagninilay sa pasimula ng Easter Triduum. Nawa ay mapuspos ang ating mga puso ng biyaya at pag-asa sa mahalagang hapon na ito.

Post a Comment

0 Comments