LIVE: Ang Pitong Huling Wika ng Panginoon (Siete Palabras)

 


Ngayong Viernes Santo, ika-3 ng Abril, kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia sa mataimtim na pagninilay sa Ang Pitong Huling Wika ng Panginoon.

Sa oras na ito ng matinding katahimikan at pananalangin, muli nating pakinggan at pag-isipan ang mga huling salitang binitawan ni Hesukristo sa krus. Ang bawat wika ay naglalaman ng malalim na aral ng pagpapatawad, pagmamahal, at ganap na pagtalima sa kalooban ng Ama.

Inaanyayahan ang lahat ng mga Garciano na makiisa sa ating Live Stream upang magkaroon ng pagkakataong makapag-reflect sa sakripisyo ng ating Tagapagligtas para sa ating katubusan. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa atin upang maging mas mapagkumbaba at mapagmahal sa ating kapwa.

Isang banal at mapayapang Biyernes Santo sa ating lahat.

Post a Comment

0 Comments