HAPPENING NOW: April Holy Mass ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia

 

Kasalukuyang idinaraos ang April Holy Mass para sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia. Ang banal na misa ay pinangungunahan ng ating Parish Priest, Rev. Fr. Servando L. Sentales, OSJ.

Ang buwanang gawaing ito ay bahagi ng ating pagpapahalaga sa espirituwal na aspeto ng paglilingkod. Sa pamamagitan ng pananalangin at pakikinig sa Salita ng Diyos, muling nagtitipon ang ating mga lingkod-bayan upang humingi ng gabay at biyaya para sa maayos at tapat na pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Nawa'y maging sandigan natin ang pananampalataya sa bawat hakbang na ating gagawin para sa ikauunlad ng ating mahal na bayan.

Post a Comment

0 Comments