Funeral Mass of +Hon. Rico O. Cabral

 


Nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia sa huling pagpupugay at Funeral Mass para sa ating yumaong lingkod-bayan, +Hon. Rico O. Cabral (November 7, 1973 – March 28, 2026).

Isang taimtim na Misa ang idinaos sa Most Holy Rosary Parish bilang pagkilala sa kanyang naging dedikasyon at serbisyo sa ating bayan. Ang ating taos-pusong pakikiramay at panalangin ay ipinaaabot sa pamilya at mga mahal sa buhay na naiwan ni Kap. Rico.

Nawa’y makamit niya ang walang hanggang kapayapaan sa piling ng ating Poong Maykapal. Maraming salamat sa iyong serbisyo, Kapitan.

Post a Comment

0 Comments