Hinarap ng mga kawani ng lokal na pamahalaan, matapos ang ilang araw ng taimtim na pagninilay at paggunita sa Mahal na Araw, ang pagbubukas ng panibagong linggo ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagdalo sa regular na Flag Raising Ceremony na isinagawa ngayong Lunes ng umaga sa Padre Garcia Municipal Auditorium.
Sa kaniyang mensahe, taos-pusong nagpasalamat ang mahusay na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, sa lahat ng mga nakiisa at tumulong sa mapayapa, ligtas, at maayos na paggunita sa Semana Santa. Kasunod nito ang makabuluhang hamon sa mga empleyado na isabuhay ang mga aral ng malasakit, pagmamahal, at sakripisyo sa araw-araw na paglilingkod sa mga mamamayang Garciano.
Ang pagkakaisang ito ay simbolo ng ating kahandaan na muling maglingkod nang may katapatan at sigasig para sa ikabubuti ng ating mahal na bayan.
0 Comments