ANUNSYO PUBLIKO: Paghahanap sa Pagkakakilanlan ng Isang Lalaki sa Padre Garcia RHU

 


ANUNSYO PUBLIKO

Isang lalaki ang napadpad sa Padre Garcia Rural Health Unit (RHU) at kasalukuyang nasa pangangalaga ng lokal na pamahalaan. Gayunpaman, ang nasabing indibidwal ay hindi makausap at wala ring dalang anumang dokumento o pagkakakilanlan (maaaring tingnan ang kalakip na larawan para sa kaniyang pisikal na anyo).

Sa sinumang nakakakilala o may impormasyon tungkol sa kaniyang pamilya o tinitirhan, mangyaring agad makipag-ugnayan sa:

  • Padre Garcia Rural Health Unit (RHU)

  • Magpadala ng mensahe sa ating official Facebook page: Municipality of Padre Garcia

Hinihiling ang tulong ng ating mga kababayan sa pagbabahagi ng anunsyong ito upang mahanap ang kaniyang mga mahal sa buhay. Maraming salamat po.

Post a Comment

0 Comments