Aleluya! Maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay!

 

Isang masaya at mapagpalang Pasko ng Muling Pagkabuhay sa buong bayan ng Padre Garcia!

Sinalubong ng ating mga kababayan nang may galak at pananampalataya ang muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo sa harap ng Most Holy Rosary Parish. Ang liwanag ng mga paputok sa kalangitan ay sumisimbolo sa ating tagumpay laban sa kadiliman at sa bagong pag-asa na hatid ng araw na ito.

Nawa'y ang diwa ng muling pagkabuhay ay magsilbing inspirasyon sa bawat pamilyang Garciano na magpatuloy nang may pagmamahal, pagkakaisa, at matatag na pananalig sa Diyos. Magsaya tayo dahil ang ating Tagapagligtas ay muling nabuhay!

Maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa inyong lahat!

Post a Comment

0 Comments