ABISO PARA SA MGA GARCIANO
Ipinababatid sa lahat na pansamantala munang hindi maglulunsad ng Lingkod Pag-IBIG Service Caravan ang Pag-IBIG Lipa Branch ngayong buwan ng Abril. Ito ay dahil sa kasalukuyang nararanasang krisis sa langis at kuryente na nagdudulot ng limitasyon sa operasyon at mobilidad ng nasabing ahensiya.
Patuloy na sinisikap ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia na muling maibalik ang naturang serbisyo sa susunod na buwan, kung kaya't manatiling nakaabang sa mga susunod na anunsyo tungkol sa bagong iskedyul ng service caravan.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
0 Comments