ABISO PARA SA MGA GARCIANO
Ipinababatid sa lahat ang magiging iskedyul ng mga tanggapan sa Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia para sa mga sumusunod na petsa:
Abril 8, 2026 (Miyerkules): SARADO ang mga tanggapan kaugnay ng implementasyon ng 4-day compressed workweek. Gayunpaman, ang mga kawani ng MSWDO at MHO ay mananatiling on-call upang tumugon sa anumang pangangailangan.
Abril 9, 2026 (Huwebes): SARADO ang lahat ng tanggapan alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1006 na nagdedeklara sa petsang ito bilang Regular Holiday para sa paggunita ng Araw ng Kagitingan (Day of Valor).
Pinapayuhan ang lahat na ayusin ang kanilang mga transaksyon bago o pagkatapos ng mga nasabing petsa. Maraming salamat sa inyong patuloy na pag-unawa at kooperasyon.
0 Comments