Handa na ang lahat para sa isang masigla at makulay na pagtatapos ng pagdiriwang ng National Women's Month sa ating bayan! Magpapatalbugan sa sayawan ang mga kababaihang Garciano sa gaganaping Zumba Dance Competition 2026 na magsisilbing culminating activity ng buwan ng kababaihan.
Labing-tatlong (13) grupo ng mga mananayaw mula sa iba't ibang mga barangay ang nakatakdang magpakita ng kanilang galing, enerhiya, at pagkakaisa sa kumpetisyon.
Mga Detalye:
Petsa: Ngayong araw, ika-27 ng Marso, 2026
Oras: Ganap na 1:00 ng hapon
Lugar: Padre Garcia Municipal Gymnasium
Halina’t suportahan ang ating mga pambato at saksihan ang galing ng mga kababaihang Garciano!
0 Comments