Tagumpay na Blood Donation Drive ng RHU: 127 Bags ng Dugo, Nakolekta

 


Itinuturing ng Padre Garcia Rural Health Unit (RHU) na isang malaking tagumpay ang isinagawang Blood Donation Drive ngayong Martes, ika-24 ng Marso. Umabot sa isandaan at dalawampu't pito (127) ang kabuuang bilang ng mga bags ng dugo na nakolekta mula sa mga bayaning blood donors na Garciano.

Ang aktibidad na ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia sa Batangas Medical Center. Ang lahat ng nalikom na dugo ay maingat na ilalagak sa nasabing ospital upang magamit ng mga pasyenteng nangangailangan ng agarang tulong medikal at pagsasalin ng dugo.

Nagpapasalamat ang pamahalaang bayan sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng kanilang oras at dugo para sa layuning makapagligtas ng buhay. Ang inyong kabutihang-loob ay tunay na simbolo ng pagkakaisa ng mga Garciano.

Post a Comment

0 Comments