Oath Taking of the newly elected OSCA Officers





Ipinahayag ng mga bagong halal na opisyales ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) noong Martes sa harap ng mapagkalingang ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang kahandaan na gumanap sa tungkuling iniatang sa kanila upang pamunuan ang mga pangunahing mamamayan ng bayan ng Padre Garcia.

Sa kaniyang mensahe, binati ni Mayor Celsa ang mga lolo at lola, kasunod ang pangako ng walang humpay na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programa ng organisasyon at ang paghikayat sa mga bagong opisyal na ipagpatuloy ang diwa ng malasakit, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok.

Post a Comment

0 Comments