Nag-alay ng isang banal na misa ang pamahalaang bayan ng Padre Garcia ngayong Lunes, ika-2 ng Marso, para sa mas maayos, mas epektibo, at mas makataong pamamahala ng lokal na pamahalaan kasabay ng pagpasok ng panibagong buwan at panibagong linggo ng serbisyo publiko.
Sa kaniyang homiliya, hinimok ni kura paroko, Rev. Fr. Servando Sentales, OSJ, ang mga lingkod bayang Garciano na maging mahabagin, humatol nang tama, at matutong magpatawad.
0 Comments