Maligayang Kaarawan, Former Cong. Lianda Bolilia!



 Ipinaaabot ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia, sampu ng buong lahing Garciano, ang isang mainit na pagbati ng Maligayang Kaarawan sa nag-iisang ina ng ika-apat na distrito ng Batangas—Hon. Lianda Brucal-Bolilia.

Bagama't natapos na ang inyong termino bilang kinatawan, ang markang iniwan ng inyong mga programa at proyekto ay patuloy na nararamdaman at ipinagpapasalamat ng mga taga-kwatro distrito. Nananatili kayong simbolo ng matapang at maalab na serbisyo publiko—ang tunay na "Siling Labuyo" ng Batangas.

Dalangin ng buong bayan ang inyong mabuting kalusugan, talas ng isipan, at patuloy na tagumpay sa lahat ng inyong mga mithiin. Nawa'y magpatuloy kayong maging inspirasyon sa bawat isa.

Happy Birthday, Former Congresswoman Lianda Bolilia!

Post a Comment

0 Comments