Ngayong Lunes Santo, ika-30 ng Marso, isinasagawa ang tradisyunal na Pabasa ng Pasyon sa ating komunidad. Ang gawaing ito ay bahagi ng ating paggunita sa Mahal na Araw, kung saan sama-samang inaawit ang kasaysayan ng buhay, pagpapakasakit, at muling pagkabuhay ni Hesukristo.
Inaanyayahan ang lahat na makilahok sa pananalangin at pagninilay sa mahalagang linggong ito para sa ating pananampalataya. Ang ganitong mga tradisyon ay patuloy na nagbubuklod sa atin bilang isang pamayanang may takot sa Diyos at may pagpapahalaga sa ating kultura.
Nawa’y maging pagkakataon ito para sa bawat Garciano na makapag-reflect at mapalalim ang espirituwal na ugnayan sa ating Maykapal.
0 Comments