Ngayong Miércoles Santo, ika-1 ng Abril, nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia sa banal na pagdiriwang ng Online Mass ganap na 6:00 ng umaga.
Sa gitna ng ating paggunita sa Mahal na Araw, mahalaga ang pagkakaroon ng oras para sa pananalangin at espirituwal na pagninilay. Ang gawaing ito ay naglalayong pagtibayin ang ating pananampalataya at humingi ng gabay at kaligtasan para sa buong bayan ng Padre Garcia.
Nawa'y ang pagdiriwang na ito ay magsilbing paalala ng pagmamahal at sakripisyo ng ating Panginoon. Isang mapayapa at banal na linggo sa ating lahat.
0 Comments