Inaanyayahan ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia, sa pamamagitan ng Rural Health Unit (RHU), ang publiko—Garciano man o hindi—na makiisa sa gaganaping Mass Blood Donation sa darating na Martes, ika-24 ng Marso, 2026.
Ang aktibidad ay gaganapin sa Padre Garcia Municipal Auditorium mula 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon. Target ng bloodletting activity na ito na makalikom ng isandaan at limampung (150) bags ng dugo na makatutulong sa pagliligtas ng mga buhay.
Bilang pasasalamat, ang bawat lalahok at matagumpay na makapag-donate ay makakatanggap ng:
Libreng meryenda
5 kilong bigas
Ang inyong munting sakripisyo ay malaking tulong para sa ating mga kababayan na nangangailangan. Kita-kits tayo doon, mga Garciano!
0 Comments