Ipinaaabot ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia, sampu ng buong lahing Garciano, ang mainit na pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating batang-batang pangalawang punongbayan—Vice Mayor Micko Angelo Rivera.
Kayo ay hindi lamang isang lingkod bayan, kundi isang tunay na “biseng-biseng kaibigan ng mga mamamayan”—laging handang makinig, umunawa, at kumilos para sa kapakanan ng bawat Garciano.
Sa inyong pamumuno bilang Tagapangulo ng Komitiba ng Edukasyon, nagiging liwanag kayo sa landas ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pag-asa, kaalaman, at pangarap na abot-kamay.
Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng kalusugan, karunungan, tibay ng loob, at walang kupas na sigasig sa paglilingkod. Hangad namin ang mas marami pang taon ng inyong makabuluhang pamumuno sa ating bayan at pakikipagkaibigan sa lahat ng mga mamamayan.
Happy Birthday, VM Micko!
0 Comments