Garcianos 🤝 Lipeños: Lipa-Padre Garcia Bypass Road, Pormal nang Binuksan


Isang makasaysayang yugto para sa ating bayan ang pormal na pagbubukas ng Lipa-Padre Garcia Bypass Road na may habang 11.52 kilometro. Nakiisa sina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa ribbon-cutting ceremony na ginanap nitong Huwebes, March 26.

Dinaluhan ang nasabing inagurasyon ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kabilang sina Executive Secretary Ralph Recto, Lipa Lone District Cong. Ryan Santos Recto, DPWH Secretary Vince Dizon, DepEd Secretary Sonny Angara, DSWD Secretary Rex Gatchalian, Lipa City Mayor Eric Africa, at Batangas 4th District Representative Caloy Bolilia.

Sa pamamagitan ng bagong alternatibong rutang ito, inaasahan ang:

  • Mas mabilis na biyahe sa pagitan ng Padre Garcia at Lipa.

  • Mas maayos na daloy ng transportasyon at pagluwag ng trapiko.

  • Paglakas ng lokal na ekonomiya at mas mabuting koneksyon.

  • Higit sa lahat, mas mahabang oras para sa pamilya dahil sa pinaikling oras ng pagbibiyahe.

Isang patunay ito na ang maayos na imprastraktura ay naglalapit sa atin tungo sa mas progresibong bukas!

 

Post a Comment

0 Comments