Nagsilbing hudyat ng panibagong linggo ng serbisyo publiko ang isinagawang flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia ngayong Lunes ng umaga na dinaluhan ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) kasama ang mga halal na opisyal at mga kawani ng pamahalaang bayan sa pangunguna ni Acting Mayor, Hon. Micko Angelo Rivera.
Sa kauna-unahang pagkakataon matapos siyang maitalaga, dumalo sa pagpupugay sa watawat ng Pilipinas ang bagong SK Federation President ng bayan ng Padre Garcia, Hon. John Ivan Gonzales, na nagbigay ng pagbati sa mga lingkod bayang Garciano kalakip ang pangako na sisikapin niyang gampanan ang kaniyang tungkulin bilang lider-kabataan sa abot ng kanyang makakayanan.
0 Comments