Saksihan ang buong performance ng Brgy. San Miguel sa naganap na Zumba Dance Competition 2026. Sa kanilang nakakaaliw na pulang kasuotan at mahusay na pormasyon, nagpakitang-gilas ang mga kababaihan mula sa San Miguel sa harap ng ating mga kababayan sa Municipal Gymnasium.
Ang kanilang partisipasyon ay bahagi ng masayang culminating activity para sa National Women's Month Celebration. Ipinamalas ng grupong ito na sa pamamagitan ng sayaw, naipakikita ang tatag at galing ng mga Garciano Babaylans!
0 Comments