BRGY. SAN FELIPE: Nagningning sa Zumba Dance Competition 2026

 


Panoorin ang kabuuang performance ng mga kababaihan mula sa Brgy. San Felipe sa naganap na Zumba Dance Competition 2026. Suot ang kanilang nagniningning na kulay kahel na kasuotan, nagpamalas sila ng matinding koordinasyon at indak na umani ng hiyawan mula sa mga manonood sa Municipal Gymnasium.

Ang San Felipe ay isa sa mga barangay na nakiisa sa culminating activity ng ating National Women's Month Celebration. Tunay na ipinakita ng bawat kalahok na sa Padre Garcia, ang mga kababaihan ay aktibo, malusog, at puno ng talento!

Post a Comment

0 Comments