Saksihan ang mapanghalinang full performance ng Brgy. Poblacion, ang itinanghal na Champion sa ginanap na Zumba Dance Competition 2026.
Sa kanilang suot na kulay rosas at berde, nagpakita ang mga mananayaw mula sa Poblacion ng hindi matatawarang galing, perpektong koordinasyon, at umaapaw na enerhiya na binihag ang puso ng mga hurado at manonood. Ang kanilang tagumpay ay nagsilbing highlight ng ating culminating activity para sa National Women's Month Celebration.
Isang malaking pagbati sa Brgy. Poblacion sa inyong napakahusay na pagtatanghal! Kayo ay tunay na inspirasyon at simbolo ng galing ng mga Garciano Babaylan!
0 Comments