Panoorin ang kabuuang performance ng mga kababaihan mula sa Brgy. Pansol sa naganap na Zumba Dance Competition 2026. Sa kanilang suot na kulay maroon at ginto, nagpamalas sila ng mahusay na koordinasyon at punong-puno ng enerhiyang indak sa Padre Garcia Municipal Gymnasium.
Ang partisipasyon ng Brgy. Pansol ay bahagi ng ating pagdiriwang ng National Women's Month, kung saan itinataas ang galing at talento ng bawat Garciano Babaylan. Tunay na nakakaaliw at nakaka-proud ang inyong ipinamalas na sigla!
0 Comments