Saksihan ang full performance ng mga kababaihan mula sa Brgy. Banaba sa naganap na Zumba Dance Competition 2026. Gamit ang kanilang makukulay at matingkad na kasuotan na sinabayan pa ng smoke effect, naghatid ng isang spectacular na pagtatanghal ang Banaba sa Padre Garcia Municipal Gymnasium.
Ang kanilang masiglang pakikilahok ay bahagi ng ating pagdiriwang ng National Women's Month, kung saan ipinapakita ang talento, ganda, at sigla ng bawat Garciano Babaylan. Panoorin ang kanilang mahusay na indakan!
0 Comments