BAGONG BOSES NG KABATAANG GARCIANO 💙






Pormal nang nanumpa ngayong Lunes sa harap ng mahusay na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, bilang bagong talagang SK Federation President ng bayan ng Padre Garcia ang SK Chairman ng Brgy. Bawi, Kgg. John Ivan V. Gonzales.

Matapos ang kaniyang oath-taking, agad dumalo ang bagong boses ng kabataang Garciano sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan bitbit ang hangarin at pangako na palakasin ang partisipasyon ng mga kabataan at maging aktibong katuwang sa paghubog ng mas maunlad at kasiya-siyang bayan.

Post a Comment

0 Comments