Naglabas ng mahalagang anunsyo ang Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia, sa pamamagitan ng Local Economic Enterprise (LEE), para sa lahat ng mga konsumedores ng Padre Garcia Waterworks.
Simula sa buwan ng Hunyo 2026, ipapatupad ang water disconnection para sa lahat ng mga konsumedores na may dalawa (2) o higit pang buwan ng pagkakautang sa serbisyo ng patubig. Ayon sa bagong alituntunin, hanggang isang (1) buwan lamang na balanse ang pahihintulutan para sa mga hindi agad makakapag-update ng kanilang bayad.
Upang maiwasan ang abala at ang pagkaputol ng inyong serbisyo ng tubig, hinihikayat ang lahat na makipag-ugnayan sa kaukulang tanggapan upang bayaran o i-settle ang anumang unsettled bills bago dumating ang itinakdang petsa.
Mangyaring maging gabay ang anunsyong ito para sa maayos na serbisyo sa ating bayan.
0 Comments