Kaugnay ng pagpapatupad ng Flexible Work Arrangement alinsunod sa Executive Order No. 03-02, s. 2026, ipinapaalam ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia ang mga pagbabago sa iskedyul ng serbisyo sa ating Rural Health Unit (RHU).
Narito ang bagong gabay para sa ating mga kababayan:
Regular Consultation: Lunes, Martes, at Huwebes (8:00 AM – 5:00 PM)
Anti-Rabies Vaccination: Martes at Biyernes (Simula 9:00 AM)
Mental Health Consultation: Martes at Huwebes (8:00 AM – 5:00 PM)
Laboratory Schedule (Blood Chemistry): Martes, Huwebes, at Biyernes (Simula 8:00 AM)
Laboratory for Permit and Franchise: Lunes, Martes, at Huwebes
Paalala: Walang nakatakdang regular na serbisyo tuwing araw ng Miyerkules, ngunit ang mga kawani ng RHU ay mananatiling on standby upang tumugon sa anumang emergency medical needs.
Inaasahan ang pakikipagtulungan at pag-unawa ng lahat para sa mas maayos na daloy ng serbisyong pangkalusugan sa ating bayan.
0 Comments