Sinelyuhan ng mga Garciano at Mandaleรฑo ang kanilang kapatiran sa larangan ng serbisyo publiko matapos pumasok ang dalawang lokal na pamahalaan sa isang sisterhood agreement na isinapormal ngayong Lunes, ika-2 ng Pebrero, sa Executive Building ng Mandaluyong City Hall.
Lumagda sa kasunduan sa ngalan ng lungsod ng Mandaluyong sina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva samantalang nagsilbi namang kinatawan ng bayan ng Padre Garcia sina Mayor Celsa Braga-Rivera at Vice Mayor Micko Angelo Rivera.
Tinatayang umabot sa halos isang daan (100) ang delegasyon ng mga lingkod bayang Garciano na nagtungo sa nasabing siyudad kabilang ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Liga ng mga Barangay, mga department heads ng pamahalaang bayan, at mga miyembro ng socio-civic organizations sa bayan ng Padre Garcia.
Ang City of Mandaluyong ay kinikilala bilang ika-pitong pinakamayaman na lungsod sa buong Pilipinas at tanging bayan ng Padre Garcia pa lamang sa buong lalawigan ng Batangas ang kanilang nakatuwang para sa isang sisterhood agreememt.
0 Comments