SERVICE WITH A HEART 💙





Buong pagmamalaking isinulit ng masigasig na ina ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa mga lingkod bayang Garciano ang plake ng Gawad Serbisyong Mapagkalinga na ipinagkaloob sa lokal na pamahalaan ng Padre Garcia matapos nitong makamit ang Level 3-Improved Service Delivery—ang pinakamataas na level of functionality sa isinagawang Service Delivery Capacity Assessmemt para sa CY 2023-2024.

Tanging bayan ng Padre Garcia lamang sa lahat ng mga munisipalidad sa buong lalawigan ng Batangas ang nakatanggap ng nasabing parangal na para sa pamahalaang bayan ay simbolo ng kahusayan, malasakit, responsableng pamamahala, at matatag na mekanismo sa serbisyo publiko.


Post a Comment

0 Comments