SERVICE REWARDED: HONORARIUM INCREASE 💙





Nagsadya sa tanggapan ng masipag na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang mga Child Development Workers (CDWs) at teacher aides ng bayan ng Padre Garcia upang personal na pasalamatan ang lokal na pamahalaan para sa karagdagang benepisyo na kanilang matatanggap simula ngayong 2026.

Mula sa dating anim na libong piso (Php 6,000) na buwanang honorarium ng mga CDWs, itinaas ito sa pitong libong piso (Php 7,000), samantalang ang mga teacher aides na dati’y walang benepisyo ay mapagkakalooban na rin ng buwanang honorarium na tatlong libong piso (Php 3,000).

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ng punongbayan na batid niyang kulang na kulang pa rin ang mga benepisyong ito, subalit hindi aniya titigil ang lokal na pamahalaan upang matulungan ang grupo sa iba't ibang pamamaraan.

Post a Comment

0 Comments