Monthly LGU holy mass




Bilang pagpapatibay ng pananampalataya sa gitna ng araw-araw na paglilingkod, nagdaos ng isang banal na misa ang lokal na pamahalaan ngayong Martes, ika-3 ng Pebrero, sa Padre Garcia Municipal Auditorium na pinangunahan ni Rev. Fr. Royger Ballaran, OSJ at dinaluhan ng mga kawani ng pamahalaang bayan.

Isinagawa rin kasabay ng pagdiriwang ang Pagpapala ng Lalamunan o "Blessing of Throats" bilang paggunita kay San Blas—isang obispo at martir na kinikilalang patron ng mga may karamdaman sa lalamunan at ng mga manggagamot.


Post a Comment

0 Comments