Meeting between the LMP-Batangas Chapter and DPWH officials






Binigyang-linaw ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga usaping pampagawain sa makasaysayan at kauna-unahang paghaharap ng mga alkalde ng lalawigan ng Batangas at ilang mga DPWH Officials na nangyari kahapon sa Cayetano Hall ng San Pascual Municipal Building.

Nagsilbing panauhing tagapagsalita sa pagpupulong ang asawa ni San Pascual Mayor Hon. Roana Conti at kasalukuyang Undersecretary ng DPWH, Usec. Nicasio "Nick" Conti, kasama si Regional Director Carol Pastrana ng Region IV-A CALABARZON at ang mga district engineers ng probinsiya.

Sa kaniyang presentasyon, idinetalye ni Usec. Conti ang serye ng mga reporma na ipatutupad sa kagawaran upang tuluyang mabura ang katiwalian sa tanggapan, mapahusay ang mga proseso sa pagpapatupad ng mga proyekto, at matiyak na ang lahat ng mga pagawaing isasakatuparan ay makatutugon sa tunay na pangangailangan ng mga mamamayan.

Post a Comment

0 Comments