HAPPENING NOW: Pinangungunahan ni Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO), G. Julius Anthony Cada, ang Local Poverty Reduction Action Plan (LPRAP) Orientation Meeting na kasalukuyang isinasagawa sa Municipal Conference Room kasama sina Mayor Celsa Braga-Rivera at ilang mga department heads ng lokal na pamahalaan.
Layunin ng LPRAP na bumalangkas ng isang komprehensibong plano na tututok sa pagpapabuti ng mga programang patungkol sa edukasyon, kalusugan, pagkain, trabaho, at pabahay upang maibsan ang kahirapang nararanasan ng mga mamamayan.
0 Comments