Sinasariwa ngayong araw ng bayan ng Padre Garcia, kasabay ng paggunita sa ika-40 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ang diwa ng tapang, pagkakaisa, at pananampalataya na minsang nagbuklod sa milyun-milyong Pilipino.
Bagama't apat na dekada na ang lumipas mula noong nagsama-sama tayo sa mga lansangan, ang tibok ng kasaysayan ay patuloy na dumadaloy sa bawat pusong Garciano at nagpapaalala na ang ating kalayaan ay dapat ipaglaban at pangalagaan.
Para sa mga Garciano, ang kuwento ng EDSA ay hindi lamang isang pahina ng aklat sa kasaysayan kundi isang panata—na ang tinig ng bayan, kapag nagkakaisa, ay kayang baguhin ang takbo ng bansa.
0 Comments