Ibinalik ng Padre Garcia Bulls 16 Under sa bayan ng Padre Garcia ang kampeonato sa Global Stage Basketball Showcase Batangas Leg matapos itong magwagi sa Championship Match ng nasabing palaro kontra sa MV Taal Athletics.
Buong pagmamalaking ipinakilala ni Konsehal Erwin "Inog" Estole sa isinagawang flag raising ceremony ngayong Lunes ang mga miyembro ng koponan na aniya'y patuloy na gumagawa ng pangalan at nagbibigay ng karangalan sa bayan.
0 Comments