HAPPY VALENTINE'S DAY, GARCIANOS! 💘




Buong pagmamahal na ipinaaabot ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia ang maalab na pagbati ng Maligayang Araw ng mga Puso sa lahat ng mga mamamayang Garciano.

Nawa’y ating isaisip na ang selebrasyong ito ay hindi lamang tungkol sa pag-iibigan ng mga magsing-irog, kundi pati na rin sa pagmamahal sa pamilya, kaibigan, at maging sa kapwa at sa bayan.

Patuloy nating isabuhay at iparamdam ang pag-ibig hindi lamang ngayong Araw ng mga Puso, bagkus sa bawat araw na tayo’y naglilingkod at nagmamalasakit bilang mga Garciano.

Post a Comment

0 Comments