Nagsanib-pwersa ang iba't ibang grupo ng kababaihan sa bayan ng Padre Garcia para sa isang Local Council for Women (LCW) Meeting na kasalukuyang isinasagawa sa Municipal Auditorium sa pangunguna ng mga babaeng lingkod bayan—Mayor Celsa Braga-Rivera, Konsehala Molly Rivera-Gutierrez, at Konsehala Doc Shine Vidal.
Tinatalakay sa pagpupulong ang Work and Financial Plan (WFP) on Women para sa taong 2026 at ang isasagawang paghahanda ng mga kababaihang Garciano para sa Local and Provincial Levels ng Women's Month Celebration.
0 Comments