Nakipagkulitan sa mapagkalingang ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang mga kandidato at kandidata ng Mr. & Ms. Young Learner 2026 ng bayan ng Padre Garcia kasunod ng kanilang official photo shoot na ginanap ngayong Biyernes, ika-6 ng Pebrero, sa Municipal Auditorium.
Dalawampu't isang (21) pares ng mga kabataan mula sa mga Child Development Centers (CDCs) sa buong munisipalidad ang magpapamalas ng ganda at talentong Garciano sa coronation day ng nasabing patimpalak na masasaksihan sa Pebrero 27, ganap na 8:00 ng umaga, sa Padre Garcia Municipal Gymnasium.
0 Comments