Ipinamahagi ng lokal na pamahalaan kahapon, ika-23 ng Pebrero, ang 3rd tranche ng bigas para sa animnapung (60) mga Garciano mula sa Brgy. Tamak at Brgy. San Miguel na nagsilbing benepisyaryo ng Food Share Program—isang programang naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng LGU Padre Garcia sa Rotary Club of Makati.
Nagdala at nagbenta rin ang grupo sa mga kawani ng pamahalaang bayan ng kanilang mga sariwang inaning produkto tulad ng cassava mula sa kamoteng kahoy, binurong mustasa, papaya, mais, at kibal na ayon kay Ma'am Wilma Galela, MSWDO Head, ay patunay ng kanilang kasipagan at aktibong pakikilahok sa programa.
0 Comments