Tinapatan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ang lamig ng panahon ng init ng kanilang pagmamahal sa bayan, na ipinamalas sa aktibo nilang pakikiisa sa isinagawang flag raising ceremony ngayong Lunes ng umaga, ika-9 ng Pebrero, sa Padre Garcia Municipal Grounds.
Sa kaniyang mensahe, ibinahagi ng mahusay na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang mga mahahalagang tagpo sa naging pagbisita ng mga lingkod bayang Garciano sa Lungsod ng Mandaluyong kaugnay ng sisterhood agreement, na aniya'y naglalayong patatagin ang ugnayan at paigtingin ang pagtutulungan ng dalawang lokal na pamahalaan.
0 Comments