Muling narinig sa loob ng Padre Garcia Municipal Compound ang himig ng mga makabayang awitin matapos simulan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ang huling linggo ng Pebrero sa pamamagitan ng regular na pagbibigay-pugay sa watawat ng Pilipinas.
Bagama't magtatapos na ang buwan, nananatili ang paalala ni Mayor Celsa Braga-Rivera sa mga lingkod bayan—magsilbi nang may ngiti sa mga labi, pairalin ang pagkakaisa, at iparamdam ang malasakit sa mga mamamayang pinaglilingkuran.
0 Comments