Tinanggap ni Dr. Niño Viñas, College President, sa ngalan ng Padre Garcia Polytechnic College (PGPC) ang Katibayan ng Pagpapahalaga na iginawad sa kolehiyo ng Padre Garcia Rural Health Unit (RHU) para sa matagumpay nitong Blood Letting Activity noong ika-12 ng Pebrero.
Bukod sa pitumpu't pitong (77) bags ng dugo na naipon sa isinagawang mass blood donation, isang mensahe rin ang iniwan ng aktibidad—sa PGPC, hindi lamang edukasyon ang pinahahalagahan, kundi maging ang pagkakawanggawa at pagmamalasakit sa bayan.
0 Comments