DREAMING BIG, LIKE A CITY 💙





Hindi pinalampas ng mga lingkod bayang Garciano ang pagkakataon na libutin ang lungsod ng Mandaluyong upang bisitahin ang ipinagmamalaki nitong mga proyekto at alamin ang kanilang mga best practices na maaari ring pagsumikapang maisakatapuran sa bayan ng Padre Garcia sa kabila ng pagiging isa lamang maliit na munisipalidad.

Ilan sa mga binisita ng pamahalaang bayan sa siyudad ay ang kanilang Garden of Life Park na isang pampublikong sementeryo na naghahandog ng free crematorium at columbarium, Project TEACH Building para sa mga Children with Handicap, Mandaluyong City Medical Center kung saan libre ang pagpapagamot, at ang bagong City Disaster Risk Reduction and Management Department ng lungsod na may state-of-the-art disaster response facilities.


Post a Comment

0 Comments