DOLE's Emergency Employment Program






Tinanggap ng apat na raan at apatnapu't pitong (447) mga mamamayang Garciano ang kanilang kinita kapalit ng inilaan nilang sampung araw na community service sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na bahagi ng Emergency Employement Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sila ang kauna-unahang batch ng mga benepisyaryo ng nasabing programa na nakatanggap ng upgraded financial assistance na anim na libong piso (Php 6,000) mula sa noon ay limang libo at apat na raang piso (Php 5,400).

Post a Comment

0 Comments